Bilang ng mga umano’y biktima ng ‘War on Drugs’ hindi puwedeng hulaan—British political vlogger

Bilang ng mga umano’y biktima ng ‘War on Drugs’ hindi puwedeng hulaan—British political vlogger

HINDI puwedeng basta hula-hulaan ang bilang ng mga umano’y biktima ng ‘War on Drugs’ ayon kay British political vlogger Malcolm Conlan, isang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“The numbers are wildly inflated. You know, the EU said 12,000, the Philippine National Police says 6,000, some biased media were claiming 30,000. Where do they get 30,000 deaths? Have they got the names of these 30,000 people? If the PNP are alerted and they’re counting the body, how does 6,000 suddenly become 30,000?”

“You can’t pick figures wildly out of the sky,” ayon kay Malcolm Conlan, British Political Vlogger.

Huwag basta’ng hulaan ang bilang. Ito ang komento ni Conlan sa libu-libong biktima ng ‘War on Drugs’ campaign ng administrasyong Duterte.

Aniya, naniniwala siyang maraming buhay ang nabago sa ilalim ng pamumuno ng dating Pangulo na minsan pa man ay nalulong din sa ilegal na droga.

Nilinaw ni Conlan na hindi siya basta-bastang naniniwala sa mga balitang kaniyang narinig at nabasa sa media tungkol kay Duterte. Sa katunayan, nagsagawa rin aniya siya ng sarili niyang pananaliksik—at ang resulta? Hindi niya mabilang ang dami ng mga testimonyang ibinahagi o pinaabot sa kaniya ng mismong mga dating lulong sa droga o ‘di kaya ng mga kamag-anak nito.

Binigyang-diin din ni Conlan na ang mga operasyon laban sa droga sa panahon ni Duterte ay nagresulta sa pagkakasabat ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu na ipinasok sa bansa—isang bagay na hindi matatawaran.

“I know that for a fact because I uploaded information from the PNP,” dagdag ni Conlan.

Nilinaw ni Conlan na hindi naman aniya siya kontra sa mga pamilyang namatay sa panahon ng war on drugs campaign ng dating Pangulo. Aniya, karapatan din nilang mapakinggan ng publiko.

Pero ipinunto niya na sa halos 70 beses niyang pagbisita sa Pilipinas sa loob ng tatlong dekada sa ilalim ng apat na administrasyon, ‘di hamak na mas ligtas ang Pilipinas nung panahon ni Pangulong Duterte.

Si Conlan ay nakapangasawa ng isang Pilipina at may pamilya rin sa Pilipinas, kaya naman hindi niya mapigilang mag-alala at makisimpatya sa nararamdaman ng maraming Pilipino matapos ang ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

British political vlogger: posibleng magka-giyera sa Pilipinas sakaling pumanaw si FPRRD sa kamay ng ICC

Kaya naman, pag-amin niya, patuloy niyang dinadalangin ang kalusugan ng 80-anyos na dating presidente.

“I do think there would actually be a war in the Philippines if he passed away. There would be fighting on the streets,” giit nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble