Bilang ng mga umatras na kandidato sa Abra para sa BSKE, umabot sa 292—PNP

Bilang ng mga umatras na kandidato sa Abra para sa BSKE, umabot sa 292—PNP

UMABOT na sa 292 ang bilang ng mga kandidato sa Abra na umatras sa laban sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Oktubre 30.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa kaniyang pagsama kay Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Garcia sa Abra nitong Linggo habang sinusuri ang sitwasyon sa lugar.

Ilan sa mga nalamang dahilan ng pag-atras ng mga kandidato ang nararanasang banta sa buhay ng mga ito.

Samantala, kinumpirma rin ng PNP ang pag-atras din ng ilang guro bilang electoral board members sa Abra dahil sa takot.

Kung kaya’t kinakailangang palitan ito ng 39 pulis bilang substitute poll workers. Kasabay ng pagpapakalat ng 353 pang pulis sa Abra upang tiyakin ang seguridad ng lalawigan sa gitna ng pagsasagawa ng halalan.

Matatandaan na noong Oktubre 18 ay iniulat ng Commission on Elections (COMELEC) na nakatanggap sila ng report na isang kandidatong tumatakbo sa pagka barangay councilor ang pinagbabaril-patay sa Bucay, Abra.

Seguridad para sa pagbiyahe ng mga ballot box pabalik sa COMELEC, tiniyak ng PNP

Samantala, kasunod ng pagtatapos ng botohan para sa BSKE, tiniyak ng PNP ang ligtas na pagbiyahe ng ballot boxes na naglalaman ng boto pabalik sa COMELEC.

Kasabay rito ang pagdaragdag ng mga tauhan ng PNP na sasabay sa paghahatid ng naturang mga balota.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter