UMABOT na sa mahigit 118,000 pamilya ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.
Sa datos ng NDRRMC ngayong Huwebes, Agosto 4, 2022, katumbas ito ng mahigit 443,000 indibidwal mula sa 1,174 na barangay sa Region 1, Region 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang 884 pamilya o 2,968 indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa 28 evacuation centers.
Nananatili sa 10 ang naiulat na nasawi at 410 ang naiulat na nasaktan sa pagyanig.
Samantala, halos 1.3 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng lindol sa Region 1, Region 2 at CAR.