NASENTENSIYAHAN ang Bilibid inmate na si Denver Mayores ng karagdagang dalawa hanggang walong taong pagkakakulong.
Ito’y matapos umamin itong guilty bilang accessory sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 2022.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), kinilala ng Las Piñas Regional Trial Court ang pagtulong ni Mayores kay dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.
Bago ito umaming guilty ay naharap si Mayores sa kasong murder.
Maliban kay Mayores ay nauna nang nasentensiyahan ang mga inmate na sina Aldrin Galicia, Alvin Labra, at Alfie Peñaredonda dahil pa rin sa pagiging accessory sa pagkamatay ni Lapid.
Samantala, hiniling din ng umaming gunman na si Joel Escorial na bawasan ang kaniyang sentensiya at mailipat siya sa Abuyog Prison sa Leyte.
Inaasahan namang mai-promulgate ang kaso ni Escorial sa Pebrero 2024 ayon sa DOJ.