Bilibid, isasara sa 2028; Ilang pinalitang guards sa Maximum Compound, makakasuhan—BuCor

Bilibid, isasara sa 2028; Ilang pinalitang guards sa Maximum Compound, makakasuhan—BuCor

IBINAHAGI ni Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gregorio Catapang na isasara na ang New Bilibid Prison sa 2028.

Kasunod ito sa pagpapalit ng 700 guards sa Maximum Security Compound ng Bilibid kamakailan bilang hakbang ni Catapang na linisin ang BuCor mula sa mga kontrobersiya.

Maliban dito ay ibinahagi rin ni Catapang na mayroong makakasuhan sa mga pinalitang prison guards dahil mayroon nang nangyayaring pagsasabwatan sa mga ito na siyang dahilan para magawa ang isang krimen.

Maliban sa makakasuhan ay sasailalim sa retraining ang ibang prison guards.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter