Bilyun-bilyong pisong ginastos para sa turismo, sayang kung palpak ang paliparan—Atty. Roque

Bilyun-bilyong pisong ginastos para sa turismo, sayang kung palpak ang paliparan—Atty. Roque

SAYANG ang bilyun-bilyong pisong ginagastos ng pamahalaan para sa turismo kung palpak ang mga paliparan ng bansa.

Ito ang komento ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa panayam ng SMNI News.

Kaugnay ito sa nangyaring power outage kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Mayo 1, 2023.

Sinasabi ni Roque na mainam kung magbibitiw na sa kanilang puwesto ang mga opisyal na dapat managot dito.

Wala aniyang silbi ang mga ito dahil dalawang beses nang nangyari ang power outage.

Naibahagi naman ni Roque na maganda kung ang naupo sa puwesto bilang airport manager ng NAIA ay si Land Transportation Office (LTO) chief Asec. Jay Art Tugade.

Si Tugade aniya ay sanay na sa pamamahala dahil negosyo ng kanilang pamilya ang airports.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter