MAGSASAGAWA ng special mall event ang P-pop girl group na BINI para sa kanilang ikalawang anniversary.
Naka-schedule na ito sa Hulyo 15, ala-una ng hapon sa Ayala Malls Soledad 3, Activity Park.
Sa naturang mall event, inaasahang mai-perform ng grupo ang kanilang hit songs.
Sikat ang BINI sa mga kanta tulad ng “Made For All”, “Lagi”, “Na Na Na”, “I Feel Good” at “Strings”.
Samantala, inilabas na ang ticket prizes para sa nakatakda ring delight party fan concert ng isa sa super junior sub-units na D&E sa Araneta Coliseum ngayong Setyembre 30.
Nagsisimula ang ticket prize sa P2.8-K para sa Upper Box B Sections hanggang P10.5-K para sa MVP D and E Sections.
Bukas na ang ticket selling sa Hulyo 14.
Binubuo ang D&E sub-unit nina Donghae at Eunhyuk.
Sa kabilang banda ay nag-anunsiyo naman ng isang Manila concert ngayong Setyembre 22 si Bambam, ang isa sa mga miyembro ng K-pop boy group na GOT7.
Gaganapin pa rin ang concert sa Araneta Coliseum.