Volleyball player Joy Dacoron, sasabak sa Araneta Coliseum bilang kandidata ng Bb. Pilipinas

Volleyball player Joy Dacoron, sasabak sa Araneta Coliseum bilang kandidata ng Bb. Pilipinas

SASABAK ang volleyball player at dating manlalaro ng Adamson University Lady Falcon na si Joy Dacoron sa loob ng Araneta Coliseum hindi bilang isang atleta kundi isang kandidata ng Binibining Pilipinas.

Lilipat muna si Dacoron sa beauty pageant stage mula sa court ng volleyball matapos itong makapasok sa top 40 ng Binibining Pilipinas ngayong taon kung saan maaaring makuha ng middle blocker ang isa sa mga korona.

Ibinahagi ni Dacoron ang pagkatuwa ng kanyang ama dahil sa nagawa niyang ituloy ang pinapangarap niyang maging beauty queen bukod sa pagiging isang professional volleyball player.

Bago sumali sa Binibining Pilipinas, bukod sa dati itong manlalaro ng Adamson ay miyembro din ito ng Cherry Tigo Crossovers na nanalo sa Inaugural Season ng PVL bilang isang professional competition noong 2021.

Lumipat ito sa Cignal HD Spikers noong nakaraang season kung saan sila nagtapos bilang first runner up.

Follow SMNI NEWS in Twitter