BALIK normal na ang operasyon ng low-cost airline na Cebu Pacific patungong Bacolod at Iloilo.
Kasunod ito sa pagkansela nila ng mga biyahe noong Mayo 13, 2025 dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa pagbabalik ng operasyon ay patuloy na mag-aalok ang Cebu Pacific ng mga opsiyon kabilang ang libreng rebooking at travel fund para sa mga pasaherong nais pa ring ipagpaliban ang kanilang biyahe patungong Bacolod at Iloilo.
Ang inaalok nilang mga opsiyon ay maaaring gamitin hanggang dalawang oras bago ang itinakdang biyahe.