SUSPENDIDO ang biyahe ng mga tren ng Philippine National Railways (PNR) ngayong Martes ng hapon, Agosto 23, 2022.
Ito ay dahil sa pagbaha sa mga riles sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Samantala, sinuspinde rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpatutupad ng number coding scheme sa Metro Manila ngayong araw at bukas.
Sinabi ng MMDA na kasunod na rin ito sa pagsuspinde ng Malacañang sa trabaho at klase ngayong araw bunsod ng malakas na ulan na hatid ng bagyong Florita.