Biyahe ng PNR, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

Biyahe ng PNR, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

INANUNSYO ng Philippine National Railways (PNR) na sinuspinde muna nila ang biyahe ngayong araw dahil sa naranasang lindol nitong Miyerkules.

Kabilang sa sinuspindeng biyahe ay ang PNR Tutuban-Alabang, Alabang-Tutuban, Tutuban-Gov. Pascual, Gov. Pascual-Tutuban, Gov. Pascual-Bicutan, Bicutan-Gov. Pascual, Lucena-San Pablo, at San Pablo-Lucena.

Hinimok naman ng pamunuan ng PNR ang kanilang mga pasahero na manatiling nakaantabay sa kanilang mga official social media accounts para sa karagdagang anunsyo.

 

Follow SMNI News on Twitter