Biyahe ng PNR sa rutang Lucena-Calamba-Lucena, magbabalik ngayong araw

Biyahe ng PNR sa rutang Lucena-Calamba-Lucena, magbabalik ngayong araw

MAGBABALIK na ngayong araw, Oktubre 28, 2024 ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) sa rutang Lucena-Calamba-Lucena.

Ito ay matapos ang isinagawang inspeksiyon ng PNR upang tiyak na ligtas ang mga riles at tulay na dadaanan ng mga tren.

Natapos na rin ang clearing operations matapos manalasa ang Bagyong Kristine.

Aalis ang tren sa Lucena Station sa ganap na 5:00 ng umaga.

Magbababa at magsasakay ng pasahero ang tren sa mga istasyon ng Lucena, San Pablo, at Calamba, maging sa mga flagstops sa Sariaya, Lutucan, Candelaria, Tiaong (Lalig), Irri, College, Los Baños, Masili, at Pansol.

Samantala, suspendido pa rin ang mga biyahe ng PNR sa Bicol Region.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble