Biyaheng Naga-Legazpi-Naga ng PNR, bubuksan sa Dec. 27

Biyaheng Naga-Legazpi-Naga ng PNR, bubuksan sa Dec. 27

INANUNSIYO ng Philippine National Railways (PNR) na nakatakdang magbukas ang kanilang pinakabagong ruta sa Bicol Region.

Sa kanilang Facebook page ay inanunsiyo ng Philippine National Railways ang pagbubukas ng kanilang Naga-Legazpi-Naga sa Disyembre 27, 2023.

Para sa mga Bicolano na gustong sumakay sa pinakabagong ruta ng PNR, maaaring sundan ang mga schedule ng biyahe mula Naga-Legazpi sa 5:38 ng umaga at 5:30 ng hapon.

Habang ang Legazpi to Naga naman ay sa 5:45 ng umaga at 5:47 ng hapon o apat na biyahe kada-araw.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang test run ng Philippine National Railways sa riles ng bagong ruta para tiyakin na walang magiging aberya sa opening nito.

Kung matatandaan na pagkatapos ng anim na taon ay ngayon lamang babalik ang rutang ito ng PNR na magko-konekta sa mga probinsiya ng Camarines Sur at Albay.

Hangad naman ng PNR ang isang ligtas at komportableng biyahe ng mga pasahero ngayong holiday season.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter