Blacklist International, pasok na sa upper bracket list ng M4 World Championship Playoffs

Blacklist International, pasok na sa upper bracket list ng M4 World Championship Playoffs

NAGAWANG manalo ng Blacklist International sa tiebreaker round upang makapasok sa upper bracket slot ng M4 World Championship Playoffs sa Jakarta, Indonesia.

Matapos na manalo ng dalawang sunod sa group stages, natalo ang blacklist sa Myanmar squad na Falcon ng dalawang beses bago manalo laban sa Indencio Supremacy.

Dahil sa resultang ito, nananatili pa ring mayroong twice-to-beat incentive ang Blacklist.

Ayon kay Team Captain Johnmar Villaluna o mas kilala sa Ingame nitong Ohmyveenus, hangga’t hawak nila ang upper bracket, ang dalawang talo nila ay magsisilbi lamang na learnings para sa kanila.

Dahil sa pare-pareho ng standing ang Blacklist, Falcon, Turkish squad na Incendio Supremacy na may 2-1 records, kinailangan sumailalim ng mga ito sa isang tiebreaker round-robin matching.

Dahil sa resulta ng tiebreaker match, tatapusin ng Blacklist ang Group 1 Run nito sa top 2 ng standings kung saan sa top spot naman ang Falcon.