KINUMPIRMA ng Blackwater Bossing na nag-alok ito ng kontrata kay James Yap.
Ayon kay Blackwater Team owner Dioceldo Sy, sa ngayon ay wala pang sagot ang manlalaro hinggil dito.
Binigyang-diin ni Sy na naniniwala pa rin sila sa kakayahan ni Yap kung kaya’t inaalok nila ito ng isang kontrata.
Kamakailan ay inanunsiyo na ni James na tapos na ang kaniyang kontrata sa pagitan ng Rain or Shine Elasto Painters.
Ang quarterfinals game ng Rain or Shine sa pagitan ng San Miguel Beermen nitong Enero 19 ang huling laro ng basketball player sa koponan.