Blood donation app na magbibigay ng access sa pagkuha, pagdonate ng dugo, inilunsad

Blood donation app na magbibigay ng access sa pagkuha, pagdonate ng dugo, inilunsad

INILUNSAD, ang kauna-unang blood donation app o “NapApp” na magbibigay ng mas madaling access para sa mga nangangailangan ng dugo at donor ng dugo, nitong Lunes Hulyo 31.

Sa pamamagitan ng smart phone, maari nang mag download ng isang app na mabilis na magbibigay ng access para makakuha ang mga nangangailangan ng dugo at sa mga nais magbigay ng dugo.

Sa pakipagtulungan ng Pag-IBIG Fund, Rotary Club of Chinatown Circle at Dugong Alay, Dugtong Buhay Foundation, inilunsad na ang unang blood donation app o “NapApp” kung tawagin na mas madaling maka-access sa mga naghahanap ng blood type ng dugo at sa nais din mamahagi ng kanilang dugo .

Ayon sa Pag-IBIG Fund, dati-rati kailangan pa silang maghanap sa iba’t ibang ospital para sa kinakailangang type ng dugo, minsan din aniya ay natatagalan lalo na kung urgent din ang dugo, pero sa pamamagitan ng “NapApp” mas magiging madali na ang paghahanap ng mga type ng dugo na kinakailangan.

Hindi na rin magiging manual ang proseso kundi magiging paperless na.

Ang paglunsad sa blood donation app ay kasabay na rin sa bloodletting activities ng Pag-IBIG Fund.

Nationwide bloodletting activities ng Pag-IBIG Fund, umarangkada na

Alas-7 pa lamang ng umaga nang simulan ang nationwide simultaneous bloodletting activity ng Pag-IBIG Fund kung saan partner nito ang Dugong Alay, Bugtong Buhay Foundation Inc.

Bukod sa Pag-IBIG Fund Mandaluyong ay nagdaraos din ng blood letting activity sà mga piling sangay ng Pag-IBIG Fund sa buong bansa.

Bukod sa mga kawani ng Pag-IBIG Fund may mga donor din mula sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

200 bags kada sangay ng Pag-IBIG Fund o 1,000 bags na target na makolekta na ihahandog sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Sinimulan ang bloodletting activity ng naturang ahensiya simula noon pang 2018 at nahinto lamang ito noong kasagsagan ng pandemya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble