BOC kabilang sa top 10 na may pinakamataas na complaints resolution rate

BOC kabilang sa top 10 na may pinakamataas na complaints resolution rate

KINILALA ng Civil Service Commission-Contact Center ng Bayan (CSC-CCB) ang Bureau of Customs (BOC) bilang isa sa mga nasa top 10 na may pinakamataas na complaints resolution rate.

Mula sa 542,517 complaints ang naresolba ng BOC na katumbatas ng 95.39 percent na resolution rate.

Ayon sa BOC, kanilang prinoproseso ang mga reklamo sa pamamagitan ng kanilang customer assistance and response services.

Ang CCB ay isa sa mga main feedback mechanism ng gobyerno na nagsisilbing direct line ng publiko para sa pagbibigay ng komento sa serbisyong ibinibigay ng pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter