TINATAYANG umabot sa mahigit 5.3 milyong pisong halaga ng sigarilyo na smuggled ang tuluyang sinira ng Bureau of Customs (BOC) sa Palawan.
Ayon kay Puerto Princesa Port Collector Gladys Estrada, ang sinira ay nasa mahigit 200 kahon at mahigit 3,000 ream ng sigarilyo sa Palawan Flora ang Fauna Watershed Reserve sa bayan ng Irawan.
Ang naturang halaga ng smuggled cigarettes ay mula sa mga operasyon na isinagawa noong Agosto 16-18 ng pwersa ng BOC sub-port ng Puerto Princesa, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard at ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kaugnay nito, patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Customs laban sa mga produktong iligal na pinapapasok sa bansa.
