Bohol nanatiling mapayapa sa araw ng halalan kahit may 7 areas of election concern

Bohol nanatiling mapayapa sa araw ng halalan kahit may 7 areas of election concern

AYON kay PLtCol. Norman Nuez, tagapagsalita ng Bohol Police Provincial Office, naging “generally peaceful” ang buong halalan sa Bohol at wala silang naitalang malalaking insidente ng karahasan o election-related violence.

Inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang pitong lugar sa lalawigan ng Bohol bilang areas of election concern, kabilang ang anim na munisipalidad at ang Lungsod ng Tagbilaran. Kabilang dito ang Buenavista, Tubigon, Inabanga, Trinidad, Ubay, San Miguel, at Tagbilaran City.

Ang mga lugar na ito ay may kasaysayan ng mga election-related violence at mga matinding politikal na tunggalian sa nakaraan, na nagpapataas ng tensiyon at nagdudulot ng pag-aalboroto sa mga lokal na lider.

Sa kabila ng mga hamong ito, binigyang-diin ni PLtCol. Nuez na naging payapa ang eleksyon dahil sa mga hakbang na kanilang isinagawa.

Aniya, maaga pa lamang ay nagsagawa sila ng mga threat assessment kasama ang mga AFP at iba pang intelligence agencies upang matiyak ang seguridad sa buong lalawigan.

“Generally peaceful. We don’t have any record of major incident or election-related violent incidents. Situation is normal naman po,” wika ni PLtCol. Norman Nuez, Spokesperson, Bohol PPO.

Para naman kay Gubernatorial Candidate Dan Neri Lim, mas maayos ang halalan ngayong taon kumpara sa nakaraang presidential elections, na sinundan ng mas mataas na voter turnout at mas mataas na awareness sa mga botante.

“Well, so far, so good. This is much better than the previous one.”

“And it’s quite surprising. Ang turnout ngayon is much, much higher compared sa presidential election, so there is more of an awareness sa mga botante na mag-participate na,” wika ni Dan Neri Lim, Gubernatorial Candidate, Province of Bohol.

Ang mapayapang daloy ng halalan sa Bohol ay nagpapakita ng malawak na kooperasyon ng mga taga-probinsiya, na may layuning magkaroon ng tunay na reporma para sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble