COMELEC sinimulan ang pag-deploy ng mga balota sa NCR para sa Mayo 12 Midterm Elections

COMELEC sinimulan ang pag-deploy ng mga balota sa NCR para sa Mayo 12 Midterm Elections

MANILA—Ngayong araw, Mayo 6, 2025, sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagde-deploy ng mga opisyal na balota para sa mga botante sa National Capital Region (NCR) bilang paghahanda para sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 12.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ang mga balota para sa NCR ay huling ipinamamahagi dahil sa kanilang kalapitan sa mga warehouse at logistical centers ng COMELEC.

Ang mga balotang ito ay dumaan sa masusing proseso ng pag-imprenta at beripikasyon. Kabilang sa mga hakbang na isinagawa ang manual at automated na pagsusuri upang matiyak ang kalidad at integridad ng bawat balota.

Matapos ang mga hakbang na ito, ang mga balota ay inilalagay sa mga secured na lalagyan at ipinamamahagi sa mga lokal na tanggapan ng COMELEC sa NCR.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter