GUMAGAWA na ng hakbang ang Board of Investments (BOI) upang matiyak na makapasok sa bansa ang nakuhang investment pledges ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang foreign trips.
Ayon kay BOI Executive Director for Investments Promotion Services Evariste Cagatan, pabibilisin nila ang gagawing proseso para sa requirements na kakailanganin ng mga mamumuhunan.
Tiniyak din ng ahensiya ang kahandaan nilang umalalay upang matugunan agad ang kinakailangang serbisyo ng gobyerno upang mabilis ang pagpasok ng investors sa bansa.
Umabot naman sa P3.48T ang nakuhang investment ni Pangulong Marcos mula sa iba’t ibang bansa at inaasahang makapaghahatid ito ng trabaho at mapaunlad sa ekonomiya ng bansa.