Bong Duterte: Bilin ni FPRRD na ipanalo ang Duterte Senatoriables, ating gawin

Bong Duterte: Bilin ni FPRRD na ipanalo ang Duterte Senatoriables, ating gawin

KAHIT pa nga nakakulong at malayo sa sariling bansa, hindi pa rin ang sarili kundi ang kapakanan ng iba ang laging nasa isip ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kahit noong nagbabanta na ang pag-aresto sa kaniya, aktibo at personal niyang ikinampanya ang mga kandidatong nais niyang maluklok sa Senado—mga lider na, ayon sa kaniyang bunsong kapatid na si Bong Duterte, ay hindi niya basta-basta inendorso kundi piniling mabuti dahil sa kanilang kakayahang ipaglaban ang interes ng sambayanan.

At upang hindi mauwi sa wala ang kaniyang sakripisyo…

“Let us listen to the wisdom of what PRRD is saying. And the only way we can fight back—I am not saying fight back on… we go up in arms, I’m not saying that. The only way we can pay back for what this government is doing, let us support all the candidates of whom PRRD is endorsing. And that is from the PDP-Laban, no need to mention names but of course, Pastor Quiboloy is one of them,” ayon kay Bong Duterte, Bunsong Kapatid ni FPRRD.

Ang laban sa Senado ay isang numbers game.

Kailangang makuha ang mayoryang suporta sa 24 na halal na senador upang maipasa o mapigilan ang mga panukalang batas.

Ngunit kung magtatagumpay ang mga pambato ng dating Pangulo—sina Pastor Apollo C. Quiboloy, reelectionists Bong Go at Bato Dela Rosa, mga batikang abogado tulad nina Vic Rodriguez, Jimmy Bondoc, Raul Lambino, Rodante Marcoleta, Jayvee Hinlo, at maging ang premyadong aktor na si Phillip Salvador—masisiguro ang isang Senado na tunay na malaya at hindi basta-bastang kayang impluwensyahan sa 20th Congress.

“Support them because politics is a numbers game. But this time, let’s show them—this government—that we have the numbers,” aniya pa.

Samantala, may mahigpit na paalala si Bong Duterte sa mga men and women in uniform:

Ang kanilang sinumpaang tungkulin ay protektahan ang Konstitusyon—at ang kalayaan ng bawat Pilipino.

Bong Duterte sa AFP: Huwag ninyong kalimutan ang sinumpaang tungkulin sa Konstitusyon

“Your oath of allegiance is to protect and serve our country. So, I hope you will remember that with you, because you are the protectors of the Constitution,” ayon pa kay Bong Duterte.

Ngayon, mariing hinihingan ng paliwanag ni Vice President Sara Duterte ang Armed Forces of the Philippines:

Bakit nila pinayagang dalhin si FPRRD sa ICC, gayong malinaw sa batas na ang Presidential Security Command ang may tungkulin sa pagbibigay-proteksiyon sa mga dating Pangulo? Ano ang dahilan sa likod ng kanilang pagkilos—o kawalan ng aksiyon—sa harap ng isang napakahalagang usapin sa seguridad at soberanya ng bansa?

“Gusto ko na sumagot ang Armed Forces of the Philippines kung bakit nila pinayagan na mangyari ito? Because under the law, the Presidential Security Command is in charge of the security of former presidents. So bakit nila hinayaan na mangyari ito sa isang dating Pangulo ng ating bayan?” wika ni Vice President Sara Duterte.

Apela naman ng tiyuhin ni VP Sara sa mga tagapagbantay ng Konstitusyon…

“And hopefully, some of you will wake up and say to yourself that this can no longer be tolerated,” giit ni Bong Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble