TUTUTUKAN ni presidential aspirant Bongbong Marcos o BBM ang pagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino sakaling manalo ito sa darating na halalan.
Sa panayam ng SMNI News kay Marcos, sinabi nito na mapapadali ang pagrekober ng bansa mula sa krisis dulot ng pandemya kung palalakasin ang sektor ng paggawa sa bansa.
Ayon kay Marcos, tututukan niya ang maliliit na negosyo o ang micro, small at medium enterprises o MSMEs dahil ito aniya ang mabilis na nakagagawa ng trabaho para sa mga Pilipino.
Dagdag pa ni Marcos, dapat ngayong pa lang ay nakahanda na ang Pilipinas na makasabay sa pagrekober sa ekonomiya ng buong mundo.
Samantala, maliban sa maliliit na negosyo, tututukan din ni Marcos ang sektor ng agrikultura.
Tiniyak din ni Marcos na ipagpapatuloy at lalo pang pahusayin ang Build Build Build Program ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte