KASALUKUYAN nang nakabantay ang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa Boracay Island kasunod ng pagkalat ng oil spill mula Naujan, Oriental Mindoro papuntang Caluya, Antique.
Batay sa obserbasyon ng Marine Environmental Protection Force ng Coast Guard District Western Visayas, nananatili pa ring malinis ang dagat sa isla.
Ibig sabihin, negatibo pa rin ito sa presensya ng “oily waste” na natagpuan sa ilang barangay sa Caluya.