PASOK ang tatlong isla ng Pilipinas sa Top 10 Reader’s Choice Award ng isang international travel magazine na Conde Nast Traveler (CNT).
Batay sa listahan ng CNT, nakuha ng Boracay ang top 3 spot, top 6 ang Isla ng Palawan at top 10 naman ang Isla ng Siargao.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia-Frasco, patunay ito sa kasipagan at dedikasyon ng bansa para mapaunlad ang turismo.
Matatandaan na noong taong 2020 at 2022 ay top 1 ang Boracay sa naturang listahan.
Ang iba pang isla sa Asya na kasama sa listahan ng CNT ngayong taon ay ang Koh Samui at Phuket sa Thailand; Langkawi sa Malaysia, Phu Quoc sa Vietnam; Okinawa at Ryukyu Islands sa Japan; at Sri Lanka.