Border ng Malaysia, mananatiling sarado para sa mga turista

Border ng Malaysia, mananatiling sarado para sa mga turista

MANANATILI pa ring sarado ang border ng Malaysia para sa mga turista na nais pumasok ng bansa.

Inanunsyo ni Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob na hindi pa ganap na bubuksan ang mga border ng Malaysia para sa mga dayuhang manlalakbay.

Aniya, pinapayagan lamang ng gobyerno na pumasok ng bansa ang mga fully vaccinated na ngunit mananatiling sarado ang border para sa mga turista.

Bukod pa rito, sinabi ng Prime Minister na hininhingi nila ang payo at rekomendasyon mula sa ministry of health batay sa kanilang risk assessments.

Dagdag nito pinahihintulutan na ng gobyerno ang fully vaccinated citizen at non-citizen travellers na mag aplay ng mandatory home quarantine o sa mga inilaan sa kanilang lokasyon upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Gayunpaman, sinabi ni Prime Minister Ismail Sabri na gumawa ang gobyerno ng ibat-ibang paghahanda at desisyon ukol sa pagluluwag sa mga standard operating procedure sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang upang muling buhayin ang ekonomiya ng bansa.

SMNI NEWS