SINASAMANTALA ng mga kriminal ang pag-usbong ng teknolohiya para sa kanilang iligal na operasyon sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ng kasalukuyang pamunuan ng pambansang pulisya.
Aminado ang pambansang pulisya na tumataas ang kamalayan ng mga kriminal sa mundo gamit ang teknolohiya.
Kaugnay nito, nais ng Philippine National Police (PNP) na palakasin pa ang border security sa bansa.
Kabilang ito sa mga napag-usapan sa pagdalo ni Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. kasama ang mga kinatawan ng Amerika sa ilalim ng Philippine and US Annual Mutual Defense Security Engagements Board.
“We informed ‘yung ating mga kaibigan sa Hawaii na we really need to have a good intel sharing specifically ‘yung about transnational crime kasi nga naging borderless na halos eh…so wala nang boundaries actually there is a need na baguhin natin ‘yung estratehiya natin as far as ‘yung exchange of information is concerned,” pahayag ni Azurin.
Kabilang sa hakbang ng PNP ay ang pagpapaigting sa pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na may problema sa iligal na droga.
“We really need to restudy siguro ‘yung supply reduction as well as ‘yung demand reduction wherein we wanted to copy ‘yung strategy natin sa NTF-ELCAC it will be ang holistic approach wherein every agency na kailangang ma-involve dito sa war on drugs will be presenting na kailangan sumama sila. So, role playing ang kailangang gawin natin, and isa dyan sa napag-usapan namin doon sa Hawaii nga is kailangan ay i-beef up natin ‘yung border security natin ‘yung control natin para nang sa ganon mabawas-bawasan or mapigilan ‘yung pagpasok ng mga illegal contraband dito specifically ‘yung mga droga na dumadating sa atin,” ayon kay Azurin.
“Gaya nga ng sinasabi natin is ‘yung instruction ng ating Presidente na hulihin ‘yung mga gumagawa ng krimen. Kung hindi man mahuli in the act, nakita naman natin na may nahuhuli na may warrant of arrest in the past so we cannot really escape ‘yung batas natin they may hide but they cannot run forever,” ayon pa ni Azurin.
“Gaya nga ng sinasabi natin is ‘yung instruction ng ating Presidente na hulihin ‘yung mga gumagawa ng krimen. Kung hindi man mahuli in the act, nakita naman natin na may nahuhuli na may warrant of arrest in the past so we cannot really escape ‘yung batas natin they may hide but they cannot run forever,” pagtatapos ni Azurin.