SASABAK sa panibagong boxing match sa Paris Olympics ngayong Biyernes, Agosto 2, 2:16 am Philippine time ang Pinay boxer na si Aira Villegas.
Makakalaban niya rito ang contender mula Algeria.
Si Nesthy Petecio ay sasabak din sa boxing match sa kaparehong araw laban sa contender ng France.
Samantala, ang swimmer na si Jarod Hatch at ang rower na si Joanie Delgaco ay mayroon ding event sa Biyernes, Philippine time.