NAKATAKDANG bumisita ang South Korean singer-actor na si Kim Hyun-joong na bumida sa highly-popular K-drama na “Boy Over Flowers,” sa Pilipinas ngayong darating na Abril.
Inanunsiyo ito mismo ng local promoter na Nuewave Events & Productions na magsasagawa si Kim ng concert sa Metrotent sa Pasig City sa April 28.
Ang concert ay bahagi ng “The End of a Dream” world tour ng 36 taong gulang na si Kim.
Nagsimulang sumikat si Kim nang mag-debut ito noong 2005 bilang miyembro ng K-pop boyband na SS501 at mas lalong naging popular noong bumida ito sa iconic K-drama series na “Boys Over Flowers” kasama ang sikat na aktor na si Lee Min ho.
Matatandaan na huling bumisita si Kim sa bansa noong January 2020 at nagdaos din ng kaniyang concert sa SM Skydome sa Quezon City.