BPI, kumpiyansang malapit nang masugpo ang smuggling sa bansa

BPI, kumpiyansang malapit nang masugpo ang smuggling sa bansa

NANINIWALA ang Bureau of Plant Industry (BPI) ng Department of Agriculture (DA) na malapit nang masugpo ang smuggling sa bansa.

Ito’y kasunod ng ginagawang pagdinig sa Kongreso patungkol sa sibuyas.

Tiwala si BPI Director Glenn Panganiban, na mas mapapabuti pa ng ahensiya ang pagbibigay serbisyo at inaasahang makakabuo ng mga solusyon sa mga isyu na kinakaharap ng kagawaran pagdating sa sibuyas.

Pinasalamatan naman ng BPI ang Kongreso sa suportang nakuha para sa agriculture industry.

We are optimistic that through the hearings, we can improve our services and come up with a sustainable solution to the onion issues/concerns. We thank the Congress for their support to the agriculture industry,” pahayag ni Dir. Glenn Panganiban, BPI-DA.

Nanawagan din ang BPI sa mga sangkot sa smuggling at hoarding na tigilan na ang pagmamanipula sa presyo ng naturang produkto.

Ito ay dahil ang lokal na magsasaka ang lubhang naapektuhan maging ang mga konsyumer.

We also hope that those who are involved in unscrupulous activities would stop as they are detrimental to the local agricultural industry,” dagdag ni Panganiban.

Pinangako naman ni Panganiban na sa ilalim ng administrasyong Marcos ay makakabuo ng mga long term solutions at mapunuan ang kakulangan pagdating sa value chain.

Ipinunto pa ni Panganiban, patuloy na gumagawa ng hakbang ang kagawaran ng agrikultura upang umunlad pa ang industriya ng sibuyas sa bansa.

“With the administration’s commitment to come up with a holistic solution and fill the gaps in the value chain, we envision a thriving onion industry in the near future,” aniya.

Matatandaan, sa pinakahuling pagdinig sa Kamara ay bigong sumipot si Leah Cruz ang tinaguriang “sibuyas queen”.

Ito ay sa kabila ng dalawang pagkakataon na ibinigay ng House Committee on Agriculture and Food kay sibuyas queen pero bigo itong ipagbigay alam sa komite ang kanyang lokasyon at dahilan ng pagliban sa pagdalo sa imbestigasyon.

Inatasan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga sa legal counsel ni Cruz na si Atty. Kenneth Brian Tegio na magsumite ng paliwanag sa komite sa loob ng 24-oras kung saan naroroon si Cruz sa kasagsagan ng pagdinig.

Pinagsusumite rin ng mambabatas si Cruz ng paliwanag kung bakit hindi ito dapat i-contempt ng komite.

Follow SMNI NEWS in Instagram