Fashion brand na Versace bibilhin ng Prada

Fashion brand na Versace bibilhin ng Prada

NAKIPAGKASUNDO ang Prada na bilhin ang fashion rival nito na Versace mula sa Capri Holdings sa halagang P1.375B.

Layon ng Prada na palawakin pa ang kanilang operasyon at bilang pagsalba na rin sa naluluging Versace.

Ang halagang babayaran ng Prada para sa Versace ngayon ay mas mababa kumpara sa halos P2.15B na binayaran ng Capri Holdings noong 2018 nang bilhin ang Versace mula sa pamilya Versace at Blackstone.

Mula rito ay inaasahang ang Versace na ang magiging susi para makakaakit pa ng mga bagong customer para sa Prada.

Kilala ang Versace sa kanilang matitingkad at baroque-style prints habang ang Prada ay kilala sa kanilang minimalist designs.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble