Brawner, humingi ng suporta para sa bagong commanding general ng PH Army

Brawner, humingi ng suporta para sa bagong commanding general ng PH Army

HUMINGI ng suporta para sa bagong commanding general ng Philippine Army (PA) si chief of staff Gen. Romeo Brawner, Jr.

Personal na humingi ng suporta sa mga kasamahan nitong sundalo si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Brawner, Jr. para sa bagong talagang commanding general ng PA na si LtGen. Roy Galido.

Ani Gen. Brawner, hindi magiging matagumpay ang kaniyang pamumuno sa Philippine Army kung hindi dahil sa tulong at suporta ng mga kasamahan nito sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Matatandaang, nauna nang naniniwala si Gen. Brawner sa kakayahan ni LtGen. Roy Galido na pangunahan ang Hukbong Katihan dahil sa galing at kakayanan nito mula pa noong pinamunuan nito ang ilang mahahalagang posisyon sa militar sa bansa.

Kasabay nito ang pagmamalaki rin ni Gen. Brawner sa kaniyang mga nagawa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas lalo na sa pagharap sa iba’t ibang hamon ng pamahalaan kabilang na ang problema ng terorismo at insurhensiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble