MAKIKIPAGPULONG si Brazilian President Lula da Silva sa mga pangulo ng Russia at China na sina Vladimir Putin at Xi Jinping sa Mayo.
Sa Mayo 9, dadalo si Da Silva sa Victory Day ng Russia, habang sa Mayo 12 naman siya tutungo sa China para sa China-Community of Latin American and Caribbean States Forum.
Ang Brazil, Russia, at China ay may matibay nang ugnayang pang-ekonomiya, at posibleng sesentro dito ang pag-uusapan ng mga pangulo.
Mapapansin na ang pakikipagkita ni Da Silva sa dalawang pinuno ay kasunod ng anunsiyo ni US President Donald Trump na magpapatupad siya ng taripa sa napakaraming produkto.