‘Breakdown ng peace and order’ sa Maguindanao, pinasisiyasat matapos ang Ampatuan ambush incident

‘Breakdown ng peace and order’ sa Maguindanao, pinasisiyasat matapos ang Ampatuan ambush incident

NAIS malaman ni Basilan Rep. Mujiv Hataman kung may breakdown ba ng peace and order sa Maguindanao matapos ang nangyaring ambush incident sa Ampatuan na ikinamatay ng dalawang pulis.

Saad ni Hataman na ayon sa mga report, i-nambush ang mga pulis habang papunta ng Barangay Kapinpilan.

Kaya tanong ni Hataman, bakit alam ng mga suspek ang ruta at oras ng pagpunta ng mga pulis?

Panawagan naman ni Hataman sa PNP na ‘siyasating mabuti ang insidente’ at ‘papanagutin hindi lamang ang mga aktuwal na gunmen, kundi ang utak sa likod ng pagpatay, kasama na ang mga nakakaalam sa mangyayaring krimen.’

Apela naman ng mambabatas sa ‘mga komunidad na proteksyunan ang mga kapulisan dahil sila ay essential sa pagpapanatili ng peace and order’ at ‘tulungan ang mga nag-iimbistiga para mahuli ang mga salarin.’

Nauna nang sinabi ng PNP Maguindanao na isolated incident lamang ang nangyari at walang breakdown sa peace and order sa kanilang lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter