HANDA na ang Brgy. Indangan Gym sa Davao City para sa ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement’ na magiging tampok sa mga taga-suporta ng Butihing Pastor at mga naniniwala sa kaniyang adhikain na baguhin ang bayan.
Inaasahan ang pagdagsa ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang lugar upang ipakita ang kanilang buong suporta sa kandidatura ni Pastor Quiboloy sa Senado.
Tiwala sila na ang kaniyang leadership at malasakit sa bayan ay makakatulong sa pagpapabuti ng bansa.