NAG-umpisa na ang brigada eskwela sa mga paaralan sa buong bansa.
Tatagal ng isang linggo ang brigada eskwela mula Agosto 14-19.
Matatandaan na mas ginawang simple ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng brigada eskwela sa mga pampublikong paaralan.
Sa ilalim ng DepEd Order 21, wala nang gagawing kompetisyon na nakaugalian na gawin sa brigada eskwela na ani Vice President at Education Secretary Sara Duterte ay nawawala ang pangunahing layunin nito.
Nakasaad din sa nasabing kautusan na dapat tiyakin ng mga paaralan na ang mga school ground, silid-aralan at lahat ng mga pader nito, at iba pang pasilidad ay malinis mula sa mga hindi kinakailangang dekorasyon, tarpaulin at poster.