HINDI na babalik sa pagkanta.
Ito ang nilinaw ng pop icon na si Britney Spears matapos bali-balita ngayon na maglalabas umano siya ng bagong album.
Sa kaniyang social media post, sinabi ng singer na hindi totoo ang mga balita patungkol sa pagbabalik nito sa music industry partikular na sa pagkanta.
Sa kabila nito ay ibinahagi ni Britney na nagsisilbi siyang ghostsongwriter ng nasa 20 kanta sa nakalipas na dalawang taon kung kaya’t hindi naman aniya tuluyang sarado ang kaniyang pinto sa music industry.
Sa ngayon ay naka-focus muna ang singer sa pagsusulat ng libro na aniya nagbibigay ng kaligayahan sa kaniya.
Kilala si Spears sa mga kantang “Oops!… I Did It Again”, “Anticipating”, “Everytime”, “Sometimes”, at “That’s Where You Take Me”.