IKINOKONSIDERANG isama na sa Alas Pilipinas ang Fil-foreigners ng Premier Volleyball League na sina Brooke Van Sickle ng Petro Gazz Angels at Savi Davison ng PLDT High Speed Hitters.
Hindi pa lang ito agad-agad maisasakatuparan dahil patuloy pa ang proseso ng paglilipat sa National Volleyball Federation ng dalawa.
Si Brooke ay affiliated pa hanggang ngayon sa USA Volleyball habang si Savi ay sa Canada Volleyball.
Ngunit kung matatapos na ang proseso ng paglilipat ng volleyball federations ng dalawa, maaari na silang isali sa lineup ng Alas Pilipinas sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand ngayong Disyembre.
Follow SMNI News on Rumble