BRP Antonio Luna, nagsilbing host ng Filipino community para sa pagdiriwang ng US Independence Day

BRP Antonio Luna, nagsilbing host ng Filipino community para sa pagdiriwang ng US Independence Day

IPINAGDIWANG ng Filipino community sa Hawaii ang US Independence Day habang nakasakay sa BRP Antonio Luna (FF-151) ng Philippine Navy.

Naghanda ng mga pagkain ang barko para sa mga panauhin bilang pagpapakita ng “Filipino hospitality.”

Ito ay sa pangunguna ni BRP Antonio Luna commanding officer at Naval Task Group 80.5 Commander Captain Charles Merric Villanueva, kasama ang mga opisyal at tripulante ng barko.

Ang Hulyo 4 ay mahalaga rin para sa mga Pilipino bilang Filipino-American Friendship Day na ipinagdiriwang ang matagal nang alyansa ng dalawang bansa.

Isa ang Pilipinas sa 26 bansa na lumalahok sa Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise 2022 na tatagal hanggang Agosto 4 sa Hawaii at Southern California.

Follow SMNI NEWS in Twitter