MATUTULOY ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre ngayong taon.
Sinabi ito ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia.
Ang botohan para sa BSKE ay magsisimula ng 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Disyembre 1, 2025.
Muling magtatakda naman ang COMELEC ng maagang oras ng pagboto para sa senior citizens, persons with disabilities at mga buntis na kababaihan.
Samantala, ang pagpaparehistro ng mga botante para sa BSKE ay mula Hulyo 1–11.