BSKE sa Butuan City, matiwasay

BSKE sa Butuan City, matiwasay

NAGING matiwasay ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Brgy. Libertad, Butuan City.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Ivy Grace Gabriel, desk assistance officer ng Libertad Central Elementary School, sinabi nito na matiwasay ang nagaganap na BSKE sa Brgy. Libertad.

Dagdag pa nito, sa ilang mga taong nagdaang mga election ay walang naiulat na untoward incident na may kaugnayan sa BSKE.

“Okey lang naman po sir wala namang problema kasi po may mga pulis din tayong naka-post dito, actually noong Saturday pa sila dito po hanggang ngayon andito pa rin po sila tapos ‘yung mga ebi’s din po okey lang man din po sila tapos wala naman pong problema sa ngayon,” ayon kay Ivy Grace Gabriel-Desk Assistance Officer-Libertad Central Elementary School.

Gayunpaman mensahe rin nito sa lahat ng botante na maging wais sa pagpili ng kandidato ngayong halalan at iboto ang naaayon sa kanilang napupusuan.

“’Yung mensahe ko sa mga botante dito sa Libertad, kung hindi po ninyo alam ang mga precinct number niyo, kung maari lamang po na magdala po kayo ng valid ID ninyo para mahanap natin ‘yung pangalan ninyo dito sa list po namin para hindi po mawala sa precinct number nila,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter