BSP, pinag-iingat ang publiko sa credit card at debit card fraud

BSP, pinag-iingat ang publiko sa credit card at debit card fraud

PINAG-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa credit card at debit card fraud.

Sa abiso, pinayuhan nito ang publiko na kapag nagbabayad gamit ang debit at credit card ay siguruhing hindi ito mawawala sa inyong paningin.

Siguruhin din na naka-on ang 2-factor authentication upang makatanggap ng one-time password (OTP) sa cellphone number tuwing ina-access ang debit o credit card.

Ayon sa BSP, kung may tanong o reklamo tungkol sa account, agad na makipag-ugnayan sa credit card issuer o bangko at maaari ding makipag-ugnayan sa PNP o sa National Bureau of Investigation (NBI) para maimbestigahan at makasuhan ang mga scammer.

Hinimok din ng BSP ang publiko na ireklamo sa kanila kung nabigo ang bangko na sila ay asistihan sa kanilang problemang naranasan sa credit o debit card.

 

Follow SMNI News on Twitter