WELCOME sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kasunduan at ipatutupad ang bagong protocols o panuntunan sa paghawak sa pag-iimbestiga sa mga insidente ng pagkamatay ng mga bilanggo o ilang persons deprived of liberty (PDLs) sa loob ng mga piitan ng BuCor.
Ito ang reaksiyon ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. makaraang lumagda kahapon sa kasunduan ang Department of Justice, at ng United Nations Office on Drugs and Crime pati ang University of the Philippines.
Nakasaad sa naturang kasunduan na kinikilala ang United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners, o Nelson Mandela Rules, partikular ang Rule 69, Rule 70 at 71, na nagbibigay ng importansiya at kahalagahan ng tama, patas, at epektibong imbestigasyon sa pagkamatay ng mga preso bilang respeto sa karapatan ng pumanaw na preso at sa kanilang pamilya.
Sinabi ni Catapang na magiging transparent o bukas sila sa publiko kaugnay sa tunay na dahilan sakaling may mamatay na preso sa loob ng bilangguan para matukoy kung natural ang sanhi ng pagkamatay o kung may foul play.