Buhay ni Jonathan Morales, hindi na babalik sa normal matapos tumestigo vs PBBM—dating whistleblower

Buhay ni Jonathan Morales, hindi na babalik sa normal matapos tumestigo vs PBBM—dating whistleblower

HINDI na umano babalik sa normal na buhay ang dating PDEA agent na si Jonathan Morales matapos nitong tumestigo laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang pagdinig sa Senado ayon kay Sandra Cam, Presidente ng Whistleblowers Association of the Philippines (WAP) na isa ring dating whistleblower na minsan nang nakabangga ang isang Presidente ng Pilipinas.

Tumestigo siya noon kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa isyu ng jueteng.

Ganito rin ang nakikita niyang pinagdadaanan ngayon ni Jonathan Morales na siyang pumirma sa 2012 pre-operations report kung saan target si noo’y senador at ngayo’y Pangulong Bongbong Marcos ng isang anti-drug operation.

Lumitaw na sa imbestigasyon sa Senado, si Morales kung saan inungkat kung paano nag-leak ang PDEA documents na naglalaman ng pangalan ng kasalukuyang Pangulo.

 “I really pitied him yesterday. As a matter of fact, I cried. Dahil alam ko mahirap dumepensa ng sarili niya. That everybody is getting his head yesterday. Lahat na lang tatawagin siya ng kung ano-ano,” ayon kay Sandra Cam, President, WAP.

Pinabulaanan ng kasalukuyang liderato ng PDEA ang mga rebelasyon ni Morales.

Katunayan, sa kasagsagan ng hearing, makailang ulit siyang tinawag na sinungaling ng mga opisyal ng anti-drug agency.

Pero payo ni Cam na asahan na dadaan sa butas ng karayom ang bagong litaw na whistleblower.

“During my time, you GMA was so strong at that time. Pero, ang unang kumupkop sa akin ay ang simbahan lead by the late Archbishop Cruz sa CBCP. Then pinaubaya na niya ako sa Senator Ping Lacson,” salaysay ni Cam.

Saad niya, si Former Senator Lacson ang nagbigay ng security detail—bagay na dapat ding gawin ng mga senador.

Kaya may panawagan siya kay Senate President Migz Zubiri at sa iba pang mga senador.

“Bigyan mo na ngayon. Sa kapanahunang ito, very volatile ang kaniyang buhay. At any moment pwedeng patayin, pwedeng kidnapin ang kaniyang anak,” saad ni Cam.

Para naman sa isang law expert, may dalawang opsiyon na puwedeng gawin si Morales para humingi ng proteksiyon.

Senate witness na si Morales, maaaring dumulog sa DOJ at Senado para humingi ng proteksiyon—Law Expert

“Sa tingin natin kung may tiwala sila sa DOJ, kasi ang DOJ is under the executive department, pwede silang mag-apply sa witness protection program sa DOJ. But kung hindi naman, pwede silang kumuha ng security dito sa Senado,” ayon kay Atty. Mark Tolentino, Law Expert.

Ayon pa kay Tolentino, karapatan din ng mga whistleblower na magkaroon ng abogado sa mga pagdinig.

Makikipag-ugnayan naman ang grupo ng mga whistleblower kay Morales para magpaabot ng tulong.

Panawagan naman nila sa pamahalaan – bigyan ng tamang pag-trato ang mga katulad nila na handang magbuwis ng buhay sa ngalan ng katotohanan.

“Focus lang, Mr. Morales. Just focus, I love you and I congratulate the way you answer sa hearing na ‘yan. And I’m hoping that by next hearing, kung marami nang senador, huwag kang patitinag, stick na kung ano ‘yung nasa isip mo at katotohanan ng papel na lumabas. Just stick to that,’’ saad ni Cam.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble