Bulakenyo nanindigan: Inosente at walang kasalanan si Pastor Apollo C. Quiboloy

Bulakenyo nanindigan: Inosente at walang kasalanan si Pastor Apollo C. Quiboloy

KITANG-kita ang napakalakas na suporta ng taga-Brgy. Muzon South, San Jose del Monte sa Bulacan para kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon kay Sylvia Malasan, residente ng Brgy. Muzon South sa San Jose del Monte, Bulacan na naniniwala siyang walang basehan ang mga ibinibintang kay Pastor Quiboloy at biktima lamang ito ng maling paratang.

“Ako po ay isang supporter ni Quiboloy at kay Duterte. Ako po ay isang supporter na tapat. Hindi po ako naniniwala kay Quiboloy sa mga pinaparatang sa kanya dahil siya po ay isang maka-Diyos. Ang taong maka-Diyos, hindi po magagawa ‘yung mga karumal-dumal na binibintang,” ayon kay Sylvia Malasan, Residente, Bulacan.

“Proud ako sa mga Duterte at kay Quiboloy. Kaya nung mabalitaan ko na tumakbo siyang senador, si Quiboloy, proud ako. Ipaglalaban ko sila. ‘Yung mga inaapi, sila ang magwawagi,” giit nito.

Bukod sa personal na pagsuporta ng mga residente, patuloy ding lumalakas ang suporta para sa buong PDP-Laban senatorial slate.

Samantala, mas lalong umiigting ang sigawan at hiyawan ng mga taga-suporta sa Brgy. Muzon South, San Jose del Monte, Bulacan.

Bitbit nila ang mga placard at banner habang ipinapakita ang kanilang buong-pusong suporta para kay Pastor Apollo Quiboloy at sa PDP-Laban senatorial slate.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble