8 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.
Batay ito sa 5am update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, Hunyo 13, 2025.
Sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon ay nasa 12 volcanic earthquakes ang naitala habang 9 volcanic earthquakes mula sa Bulkang Kanlaon sa Negros Islands.
Ang sulfur dioxide naman na ibinubuga ng Kanlaon ay umabot ng 1564 tonelada nitong Hunyo 12.
Samantala, sa Bulkang Taal ay walang naitalang rockfall events o volcanic earthquakes.