BUMUBUGA ang Bulkang Kanlaon ng ash plumes mula sa summit crater batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa obserbasyon nitong Lunes, Disyembre 2, nangyari ang pagbuga ng ash plumes 5:41-5:46 ng umaga at sinundan pa ito 7:46-8:30 ng umaga.
Umabot ng 400 hanggang 600 meters ang grayish plumes mula sa crater.
Noong Linggo, Disyembre 1 ay nagbuga na ng grayish plumes ang Bulkang Kanlaon at umabot ng 750 meters ang taas nito.
Sa kabila nito, nananatili pa ring nasa Alert Level 2 ang naturang bulkan.