NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 9 na volcanic earthquakes sa paligid ng Bulkang Kanlaon kasabay ng pagbuga nito ng mahigit 1,700 toneladang sulfur dioxide ngayong Biyernes, Hunyo 13.
Ayon sa ahensya, nanatiling nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan — ibig sabihin, may mataas na posibilidad ng biglaan at mas malakas na pagsabog.
Muling pinapaalalahanan ang publiko na iwasan ang paglapit sa 6-kilometer Permanent Danger Zone at maging alerto sa mga lahar kung sakaling umulan.
Nagbabala rin ang mga eksperto na ang mataas na lebel ng sulfur dioxide ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan, partikular sa mga bata, matatanda, at sa mga may problema sa paghinga.
Sa ngayon, patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga PHILVOCS sa aktibidad ng bulkan.
Pinapayuhan ang mga residente malapit sa bulkan na makinig sa babala ng lokal na pamahalaan at PHIVOLCS, at laging handa sa posibleng paglikas.