Bumibiyaheng bus sa EDSA Busway, ibinalik na ng LTFRB sa orihinal na bilang

Bumibiyaheng bus sa EDSA Busway, ibinalik na ng LTFRB sa orihinal na bilang

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibinalik na nito sa dating bilang ang mga unit ng bus na bumibiyahe sa EDSA Busway bus line.

Sa isang resolusyon na inaprubahan ng LTFRB, ibinalik na sa dating 550 yunit ang bilang ng mga bus ngayong may “fare box” na ang EDSA Busway mula sa itinaas na 758 yunit dahil sa libreng sakay.

Sa pamamagitan ng “fare box,” sisingilin na ng pamasahe ang mga pasahero ng bus gamit ang “fare matrix” na inaprubahan ng LTFRB.

Kailangan na rin kumuha ng mga bus operator sa EDSA Busway ng “fare matrix” mula sa Technical Division ng LTFRB.

Hinimok din ng LTFRB ang publiko na magtungo sa Facebook page nito upang makita ang naturang “fare matrix.”

Maliban dito, naglagay na ang LTFRB ng mga tarpaulin ng “fare matrix” sa lahat ng mga bus station upang magabayan ang mga pasahero tungkol sa tamang pamasahe.

Follow SMNI NEWS in Twitter