Buntis at dalawang lalaki, patay sa banggaan sa Tagaytay; Driver ng MPV, lasing

Buntis at dalawang lalaki, patay sa banggaan sa Tagaytay; Driver ng MPV, lasing

TATLO ang nasawi, kabilang ang isang buntis at dalawang lalaki, matapos salpukin ng isang Multi-Purpose Vehicle (MPV) ang sinasakyan nilang kotse sa Bypass Road, Brgy. Zambal, madaling araw ng Hunyo 17.

Sa CCTV footage, kitang-kita ang kotse na mag-isang bumabaybay sa kalsada nang biglang salubungin ng MPV. Sa lakas ng banggaan, parehong nayupi ang dalawang sasakyan.

Dead on the spot ang buntis na si Jenalyn Embarga, residente ng Brgy. Calulut, San Fernando, Pampanga; ang kanyang live-in partner; at ang driver ng kotse na si Jemar Pelia mula sa Brgy. Manggas II, Alfonso, Cavite. Ayon sa imbestigasyon, papunta sana sila sa ospital para sa prenatal check-up ng buntis.

Lima naman ang sugatan na sakay ng MPV—pawang mga bagong graduate ng senior high school. Lumabas sa inisyal na ulat na nag-inuman umano ang grupo bago mag-road trip.

Patuloy na nilalapatan ng lunas ang mga kabataan sa ospital, habang posibleng masampahan ng mga kasong multiple counts of homicide, physical injuries, at damage to property ang drayber ng MPV.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble